EnglishSvenskaدریAzeriKirundiFrançaisفارسیعربیعربیlatviskiYurobaTagalogDhopadhola-Swahili
 
 
   
   
   

Örebro goes Global ay isang organisasyon na sumisikap na maging tulay para sa mga produktong gawa mula sa Sweden. Ang aming mga produkto ay nagbibigay benepisyo at pangmatagalang solusyon sa kapaligiran at kalikasan. Patuloy kaming naghahanap ng iba't-ibang makabagong solusyon upang malutas ang problema sa kakulangan ng kuryente.

Nakikipagtulungan kami sa mga kumpanyang gustong baguhin ang dating pagtingin sa mga libreng enerhiya mula sa kalikasan gaya ng araw (solar energy), hangin (wind energy) at mula sa init ng mundo (geothermal power).

Ang bawat miyembro ng organisasyon na nabibilang sa Örebro goes Global ay mga akademiko sa kani-kanilang bansa at may mga sariling espelisasyon. Sila ay mag-uugnay ng mga posibleng tagapamili mula sa kani-kanilang bansa gaya ng Gitnang Silangan, Aprika, Mga estado sa Balkan (dating USSR), Kina, Pilipinas, India atbp. Sila ay opisyal na representante ng lungsod ng Örebro at nakikipagtulungan sa Swedish Trade Council, Chamber of Commerce (Mälardalen) at rehiyon ng Örebro. Sila ay dalubhasa sa iba't-ibang lingwahe liban sa Sueco. Pinag-aral sila upang maging epektibo sa kanilang proyekto at maging maunlad sa paglunsad ng produktong tatak Sueco sa pandaigdigang kalakalan.

 

   
 
 
 
   
 
     
   
             
   

 

 

   
     
     
WWW.OREBROGOESGLOBAL.SE